Boy: Para kang plema, kumakapit sa dibdib ko!
Girl: Para kang plema, dapat nang idura!
***
Boy: Para kang taba, bumabara sa puso ko!
Girl: Para kang taba, panira ng ganda!
***
Boy: Para kang kulangot, hard-to-get!
Girl: Para kang kulangot--ansarap dukutin, bilugin, at pitikin!
***
Boy: What is love? Love-is kitang mahal!
Girl: What is love? Love-is-love-is na ang kakornihan mo!
***
Boy: Aso ka ba? Puso ko kasi hanDOG ko sa'yo!
Girl: Aso ka ba? Kasi ULUL ka!
***
Boy: Si Ne-Yo ka ba? Kasi gusto kong maging kapamilya ang pamilya Ne-Yo!
Girl: Si Ne-Yo ka ba? Umuwi ka na sa bahay Ne-Yo! Dalian mo!
***
Boy: Pikit ka, ganyan kadilim ang mundo ko 'pag wala ka!
Girl: Takpan mo ang bibig mo dali! Ganyan kabango ang mundo ko pag tahimik ka!
***
Boy: Basagin mo man ako nang basagin, patuloy pa rin kitang mamahalin.
Girl: Bumanat ka man nang bumanat sa akin, patuloy pa rin kitang...sige na nga! MAHAL NA RIN KITA!
***
Ang tunay na banatero, basagin man nang basagin, mananatiling nagmamahal pa rin!
|